Hindi man nabigyan ng malaking break sa ‘Pinas, mukhang ready naman nang gumawa ng pangalan si Alex Diaz sa Hollywood.
Kasalukuyan kasi siyang bahagi ng Hollywood film na ‘Glitter Doom’ kung saan kasama niya sina ‘Mulan’ star Ming-Na Wen at comedian Tig Notaro.
https://www.instagram.com/p/CUl319isXyy/?utm_medium=copy_link
“My agent just told me, ‘You got the role.’ And I broke down because this is my first international role, and it’s my first major lead role,” kwento niya nang tanungin kung paano niya nalamang nakuha niya ang role.
Bukod sa naturang palabas, lilitaw din sa isa pang pelikula si Alex kasama si ‘Avatar’ actor Sam Worthington.
Taong 2019 nang umalis ng ‘Pinas si Diaz dahil “over” na raw ang karera niya rito. (VA)