Bilang broadcaster na sasabak sa politika sa 2022 ay suportado ni Raffy Tulfo ang muling pagbubukas ng ABS-CBN.
Sa panayam ng ANC, sinabi ni Tulfo na naaawa siya sa nasa 10,000 katao na empleyado ng network na nawalan ng trabaho buhat ng magsara ito dahil ‘di binigyan ng bagong prangkisa.
“Of course I support the reopening of ABS-CBN. Why? Around 10,000 people lost their jobs. They have families to take care of, babies to feed, parents who are sick of cancer. Their life stopped [because of the closure],” wika ni Tulfo.
Bukod dito ay sinabi rin ni Tulfo na gagawin niyang batas kapag nahalal sa Senado ang magna carta for the media upang mapigil ang pagha-harass sa mga media personnel.
Si Tulfo ay tatakbong independent senatorial candidate bagamat kinuha siyang guest candidate sa senatorial slates ng mga presidential aspirants na sina Senador Manny Pacquiao at Senador Panfilo Lacson. (mjd)