WebClick Tracer

Belmonte inireklamo ng plunder, graft sa biniling ayuda pack

Sinampahan ng reklamong plunder at graft si Quezon City Mayor Joy Belmonte kaugnay ng pagbili umano ng overprice na food items na ipinamigay sa mga residente ng lungsod na naapektuhan ng COVID-19 pandemic noong nakaraang taon.

Inihain ni John Chiong, isang anti-corruption advocate, founder at national commander ng Task Force Kasanag ang reklamo sa Office of the Ombudsman.

Bukod kay Belmonte kasama sa reklamo sina Ruby Manangu, officer-in-charge ng Accounting Department ng Quezon City government, Angelica Solis, kinatawan ng LXS Trading at iba pang hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

Bumili ang Quezon City government ng 250,000 food pack sa halagang P1,149.90 bawat isa o kabuuang P287 milyon sa LXS Trading.

Hindi umano inilagay sa Purchase Order (PO) ang presyo ng bawat item. Kung bibilhin umano ang mga ito sa retail store ay lumalabas na P715 lamang ang presyo ng bawat food pack.

Sinabi rin sa reklamo na nagpatupad ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) noong Marso 2020. Matapos ito ay ibinalik ng DTI ang standard retail price (SRP) ng mga produkto sa presyo nito noong Setyembre 2019.

Kahit na umano gawing P100 ang presyo ng tote bag na pinalagyan, ang presyo ng mga food item ay lalagpas sa SRP. Dapat ay mas mura rin umano ang pagkakabili sa mga food items dahil maramihan ang pagbili rito.

“Thus, there is a clear and blatant overprice amount to more than P108 million for 250,000 food packs purchased by the Quezon City government,” sabi sa reklamo. (Billy
Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on