WebClick Tracer

Dahil maraming ‘panggulo’: Presidential, VP candidates sasalain -Comelec

Sa Disymebre pa ilalabas ang pinal na listahan ng mga kakandidato sa Eleksyon 2022 ayon sa Commission on Elections (Comelec) ngayong Linggo.

Ani Comelec spokesman James Jimenez, magtatanggal pa kasi sila ng mga nuisance candidate o mga tatakbo lamang para “manggulo.”

“Ine-expect natin ang final list around December. ‘Yun ang final. Ang pagsasala magagaganap ngayon,” wika ni Jimenez sa isang panayam.

Aniya, halos pinutakte kasi ng mga nuisance candidate ang listahan ng mga kakandidato sa pagkapangulo at bise-presidente.

“Napakarami. Again, sa pagka-Presidente mayroong 97. Madami kang sasalain. Sa VP, 28. Medyo maraming trabaho,” sambit niya.

“Unang tingin pa lang alam mong makakatanggal ka ng mga 95% na magfile. Siguro matitira sa atin hindi lalampas ng sampu,” dagdag pa ni Jimenez.

Nito lamang Oktubre 8 nang magtapos ang paghahain ng certificate of candidacy para sa national at local elections.

Samantala, matatapos naman ang filing para subsitition para sa isang kandidato sa Nobyembre 25. (VA)

TELETABLOID

Follow Abante News on