WebClick Tracer

Maghanda na para sa booster shot – Go

Hinimok ni Senador Bong Go ang pamahalaan na maghanda at planuhin na ang posibleng pagbili ng COVID-19 booster shots sa hinaharap.

“Bukas po tayo sa posibilidad na sa hinaharap, baka kailanganin nating magbigay ng COVID-19 booster shots upang masigurong protektado ang ating mga kababayan laban sa virus,”sabi ni Go.

“Ngunit prayoridad po natin sa ngayon ang siguruhin munang bakunado ang mga Pilipino ayon sa ating vaccine guidelines,” dagdag pa ng chairman ng Senate committee on health.

Ayon kay Go, may P45.5 bilyong Unprogrammed Fund para sa pagbili gn COVID-19 vaccine booster shot.

Kasalukuyan namang pinag-aaralan naman ng Department of Health and the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang posibilidad na magbigay ng booster shot sa mga healthcare worker sa hinaharap.

“Importanteng paghandaan na natin ito. Baka kailanganin natin ng booster lalo na dahil sa mga naglalabasang variants,” sabi ni Go, sa deliberasyon ng panukalang 2022 budget ng DOH.

“Dapat din natin masiguro… na may sapat na pondo para sa mga vaccinators dahil tuluy-tuloy ang pagbabakuna natin hanggang sa susunod na taon. Napansin ko na sa kalagitnaan ng taon naghanap pa sila ng pondo para dito,” saad pa nito. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on