Napupusuang manok sa pagka-presidente ng partido ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Senador Bong Revilla.
Sinabi ni Lakas-CMD Secretary General Prospero Pichay, na hindi na sila umaasang tatakbong pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte pero bukas pa sa posibilidad na maging standard bearer ang senador.
“He remains to be an option, yes,” lahad ni Pichay sa panayam sa CNN Philippines.
Pero tinanggihan aniya ni Revilla ang pagkumbinsi nila rito na tumakbo at umaasa na lamang na magbago ang isipan nito.
“We wanted Bong Revilla to run for president but he declined. We tried to convince him but he declined. Maybe he will change his mind, we don’t know,” wika niya.
Ito ay sa kabila na ikinasa ng partido noong nakaraang linggo ang tandem ng isang Anna Velasco at Lyle Fernando Uy.
Samantala, nagpasalamat si Revilla sa tiwala ng partido pero wala raw siyang intensiyong maging pangulo.
“I am honored by the trust and confidence of the Party and our kababayans, but I have no intention (tumakbo sa pagka-pangulo),” wika niya. (IS)