Umabot na sa 40,004 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang nakarekober mula sa COVID-19.
Ito ay matapos maitala ang 113 mga pulis na bagong gumaling ngayong Biyernes.
Samantala, nadagdagan naman ng 63 ang bagong nagpositibo sa virus.
Ayon sa datos ng PNP Health Service, umakyat na sa 41,149 pulis ang tinamaan ng COVID.
Nanatili naman sa 122 ang death toll rate ng ahensya.
Kasalukuyang bumaba pa sa 1,023 ang active COVID cases ng ahensya. (VA)