Umakyat na sa 37,641 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang gumaling mula sa COVID-19.
Ito ay matapos maitala ang 195 mga pulis na bagong nakarekober nitong Miyerkoles.
Samantala, nadagdagan naman ng 151 ang bagong nagpositibo sa virus.
Ayon sa datos ng PNP Health Service, sumipa na sa 39,843 pulis ang tinamaan ng COVID.
Nanatili naman sa 117 ang death toll rate ng ahensya.
Kasalukuyang 2,085 pulis na ang nagpapagaling mula sa COVID. (VA)