WebClick Tracer

Guimbal, Iloilo Mayor Oca Garin patay sa COVID

Pumanaw na si Guimbal, Iloilo Mayor Oscar “Oca” Garin nitong Linggo ng hapon.

Kinumpirma ito ng mga anak ng alkalde na sina AMBIS-OWWA Rep. Sharon Garin at Iloilo Vice Governor Christine Garin.

Pahayag nila, nito lamang nakaraang linggo nang ma-ospital si Mayor Garin matapos mahawaan ng COVID-19.

Anila, symptomatic ang kanilang ama.

Bago maging alkalde, nagsilbi ring congressman ng unang distrito ng Iloilo si Oca mula 1987 hanggang 1998 at 2001 hanggang 2004. (VA)

TELETABLOID

Follow Abante News on