WebClick Tracer

20K indibidwal sapol ng COVID sa bansa

Naitala ng Department of Health nitong Linggo ang 20,755 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 2,490,858 ang kabuuang caseload ng COVID sa bansa.

Samantala, tumaas naman sa 161,447, ang aktibong kaso ng virus — 81.1% rito ang mild, 13.4% ay asymptomatic, 1.6% ay severe, at 0.7% ang nasa malubhang kalagayan.

Nadagdagan naman ng 24,391 ang bilang ng mga dumaig sa naturang sakit.

Sa ngayon, 2,292,00 na ang total recoveries ng bansa sa COVID.

Nananatili namang walang naitalang nasawi dahil sa COVID dahil sa umnao’y technical issues ng DOH.

“The Department of Information and Communications Technology is currently addressing issues encountered by the system. When the issue is resolved, the succeeding increase in deaths in the following reports will be due to the previous days’ backlogs,” pahayag ng ahensya. (VA)

TELETABLOID

Follow Abante News on