WebClick Tracer

VP Leni sa pagdedesisyon para sa Eleksiyon 2022: May dalawang linggo pa

May dalawang linggo pang natitira si Vice President Leni Robredo para magdesisyon sa kanyang kandidatura sa darating na Halalan 2022.

“Wala akong choice kundi magdesisyon bago mag-October 8. Ang decision ko kapag magpa-file kailangan handa na ako mag-decide. Sa ‘kin kasi dalawang linggo pa,” ani Robredo sa kanyang lingguhang radio show.

“Tinitignan natin kung may pag-asa pa magsama-sama. Siguro may ibang ‘di na natin maaaya pero hanggang may communication lines na bukas, patuloy ko pa rin ipu-pursue,” pagpapatuloy niya.

Pagbibigay-diin niya, ang magiging desisyon niya ay nakabatay sa kung ano ang palagay niyang ikabubuti ng bansa.

Aniya, hindi rin kasi maiiwasan ang ilang taga-suporta na madismaya o magalit kung hindi nila nagustuhan ang desisyon ng politikong kanilang sinusuportahan.

“Lahat kami may supporters lalo na kung ang desisyon namin mag-slide down, ‘di magkakandidato, magtatampo ‘yung supporters namin. ‘Yung iba, ‘di lang tampo. ‘Yung iba magagalit pa,” ani VP Leni.

“Pero ultimately, sino ba paninilbihan natin? Sana ‘yung titingnan natin kung ano makakabuti,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang sina Senador Ping Lacson, Senador Manny Pacquiao, at Manila Mayor Iskor Moreno ang nag-anunsyo na ng kanilang kandidatura sa pagkapresidente sa susunod na taon. (VA)

TELETABLOID

Follow Abante News on