Mintis mag-qualify sa parating na 24th Winter Olympic Games 2022 si Fil-Am figure skater Sofia Frank makaraang tumapos na pang-24 na puwesto sa karorolyong 2021 Nebelhorn Trophy sa Oberstdorf, Germany Sabado ng gabi (Manila time).
Nakaiskor ang pambato ng Phipippine Skating Union ng 128.78 points sa huling qualifying tournament para sa Winter Games sa Beijing, China sa Apr. 8-24.
Sa women’s short program segment, 22nd ang 15-year-old athlete habang 29th sa free skating.
Sablay rin si Edrian Celestino nang mag-18th place sa men’s division sa 176.10 pts.
Anim na skater lang sa women’s division at pito sa men’s division ang mga pumasok sa Winter Games.
Sunod na sasabkan ni Frank ang 2021 Finlandia Trophy sa October Finland.