WebClick Tracer

Araneta, 2 pa ober da bakod

Tumapik ang Cignal ng tatlong beteranong player sa pangunguna ni Angeline Pauline ‘Angeli’ Araneta bilang pagpapalakas sa second conference ng Premier Volleyball League sa February 2022.

Bukod sa 28-year-old, 5-foot-8 middle blocke, biningwit din ng HD Spikers sina libero Fatima Bia General at setter Maria Angelica ‘Gel’ Cayuna.

Inanunsyo ng koponan nitong weekend ang pagsungkit kay Cayuna na huling kumampanya sa Perlas Spikers 2021 PVL Open Conference nitong July-August sa Bacarra, Ilocos Norte.

Nanggaling sina Araneta at General sa Generika Ayala Lifesavers ng Philippine Super Liga.

Isang panalo lang sa 10 laro ang nakontak ng Cignal upang mangulelat sa PVL Open kaya nagpapalakas ng roster.

TELETABLOID

Follow Abante News on