Isinailalim sa granular lockdown ang 35 barangay sa Ilagan City, Isabela simula ngayong Linggo upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang mga barangay na sakop ng lockdown ay Alibagu, Guinatan, Calamagui 2nd, Baculod, Bliss Village, Bagumbayan, Baligatan, Osmena, Sta. Barbara, San Vicente, Centro Poblacion, San Felipe, San Ignacio, Cabisera 2, Cabisera 4, Alinguigan 1st, Fuyo, Salindingan, Namnama, San Juan, Cabannungan 2nd, Alinguigan 2nd, Centro San Antonio, Manaring, Calamagui 1st, Camunatan, San Isidro, Siffu, Naguilian Norte, Cabisera 3, Cabiseria 8, Aggasian, Marana 3rd, Naguilian Sur, at Cabisera 22.
Tatagal ang granular lockdown hanggang Oktubre 4.
Ayon sa Health Department, 125 ang mga kaso ng COVID na naitala mula sa mga nasabing barangay.
Ang mga naturang barangay ay napasailalim din sa lockdown na natapos nitong Setyembre 21 lamang.