Patay ang isang drug suspek sa Parang, Sulu matapos paputukan ang mga pulis sa gitna ng buy-bust operation noong Biyernes.
Samantala, arestado naman ang anim niyang kasamahan.
Tinatayang aabot sa P13 milyon ang halaga ng shabu ang nakuha sa mga suspek.
Sa gitna umano ng operasyon ay tinangka pang tumakas ng mga suspek sakay ng motorized na bangka.
Dito ay pinaputukan ng isa sa mga suspek ang mga pulis dahilan para gantihan siya at mapatay.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (MJD)


