Inendorso ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang presidential candidate nila sa 2022 elections.
Itinatag ng ama ni Bongbong na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang partidong KBL.
Isinagawa ang pag-endorso kay Bongbong sa national convention ng partido sa Binangonan, Rizal nitong Biyernes.
Unang tumakbo sa pagka-bise presidente si Bongbong noong 2016 ngunit natalo kay Vice President Leni Robredo. (IS)