Walong indibidwal ang nasawi sa probinsya ng Bohol dahil sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 422 ang death toll rate nila sa naturang virus.
Batay sa datos ng Emergency Operations Center (EOC) ng Bohol Inter-Agency Task Force (BIATF), 50 fatalities na ang naitala mula Setyembre 16 hanggang 23.
Paglilinaw ng BIATF, ang bilang ng napaulat na nasawi ay late nang naitala at maaari anilang mula pa ito sa mga nakalipas linggo.
Dagdag pa nila, lalong tumataas ang death toll rate ng Bohol hindi dahil sa COVID spike ngunit dahil umano sa mas epektibong data collection ng kanilang probinsya.
Kasalukuyang may 2,116 active COVID cases ang nasabing probinsya. (VA)