WebClick Tracer

LizQuen magpapayaman muna bago pakasal

Pihadong kikiligin ang mga LizQuen fan dahil inamin ni Enrique Gil na napag-uusapan na nila ni Liza Soberano ang pagpapakasal.

Sa Oktubre ay magse-celebrate na sila ng seventh anniversary as a couple.

Pero ani Enrique sa virtual interview ni Boy Abunda, goal nila ang mapalago muna ang mga negosyo para kapag bumuo na ng sariling pamilya ay hayahay ang buhay nila.

Nitong taon inilunsad nila ang joint business na HKT Essentials, na nagbebenta ng mga murang rubbing alcohol.

“We want to build our alcohol business. We’re getting into three more businesses from totally different fields.

“We just want to make sure that when we have our own family, we’re comfortable. Basta we can live comfortably, we’re fine,” paliwanag ni Enrique.

Beach wedding ang bet niya para kay Liza pero may ilang fan daw na nakiusap sa kanya na pakasalan sa simbahan ang aktres.

“Sinabi niya, ‘Please, pag ikakasal kayo, dapat talaga sa Church! Kasi kung hindi, magagalit talaga si Lord.’ Sabi ko, ‘Okay, I’ll remember that.’ So I guess we’ll need to do two weddings now!” sambit ni Enrique.

TELETABLOID

Follow Abante News on