WebClick Tracer

Imbakan ng FDA sa Muntinlupa nasunog

Sumiklab ang sunog sa isang storage area ng Food and Drug Administration (FDA) sa Muntinlupa City noong Lunes ng gabi.

Itinaas ang first alarm ng alas-7:35 ng gabi at naapula ng alas-8:08 ng gabi.

Naganap ang sunog sa isang palapag na Feed Storage Room ng FDA sa Filinvest Corporate City sa Alabang.

Ayon sa paunang ulat, nagmitsa ang apoy sa kumislap na feed dryer machine pero patuloy ang ginagawang imbestigasyon tungkol sa insidente, na masuwerteng walang nasaktan.

TELETABLOID

Follow Abante News on