Nawindang ang mga residente ng Sto Niño, Pagadian City matapos nilang maispatan ang isang malaking sawa na nakabitin sa kisame at may nakaipit pang manok na pula sa katawan nito.
Kuwento ni Rommel Bayon sa “One Mindanao,” patulog na sana sila noong Lunes ng gabi nang mabulabog sila sa tahol ng kanilang aso.
Nang silipin nila kung bakit tumatahol ang aso, doon na bumulaga sa kanila ang dambuhalang sawa na may ‘yakap’ pang manok na pula.
Aniya, patay na ang manok nang makuha nila ito dahil sa higpit ng pagkakaipit nito sa sawa.
Ayon sa ulat, tinatayang nasa walong talampakan ang haba ng lumambiting sawa.