WebClick Tracer

Sergeant na! Eumir Marcial na-promote sa PAF

Sinalubong agad ng pagpapala si Eumir Marcial nang i-promote siya sa Philippine Air Force (PAF) bilang sergeant pagkauwi niya sa bansa nitong Lunes.

Pinangunahan ni PAF Commander Lt. Gen Allen Paredes at Executive Secretary Salvador Medialdea ang paggawad kay Marcial ng naturang ranggo, na bunga na rin ng naging tagumpay niya bilang bronze medalist sa katatapos lang na Tokyo Olympics.

Bago ang Olympics ay Airman First Class ang ranggo ni Marcial. Ang boksingero ay parte ng PAF noon pang 2013.

Ang pag-akyat ng ranggo ay isa lamang sa mga nag-aabang na premyo sa tagumpay ni Marcial sa Olympics dahil nauna nang nangako ng cash prize ang ilang pribadong sektor bukod pa sa premyo mula sa pamahalaan.

TELETABLOID

Follow Abante News on