WebClick Tracer

Nalulong sa online sabong: Ping Medina nanlimos sa social media

Sa social media ibinahagi ng actor na si Ping Medina ang pinagdadaanan niya sa aspetong pinansyal, na ayon sa kanya ay dala na rin ng pagsubok ng pandemya.

Sa halip na masayang mensahe ang kanyang ibahagi noong Hulyo 23, araw ng kanyang kaarawan, malungkot na ibinalita ng actor sa Instagram na nasagad na ang kanyang ipon ngayong taon.

Ito raw ay dahil sa pagbagsak ng kanyang negosyo at pagkalugi bilang agent ng online sabong.

“I’ve been doing okay since the pandemic but I ran into a bad streak this year. The second ECQ killed physical store sales at Bulilith Smoked Sausages,” kwento ni Ping.

“Unfortunately, sabong found me. I never gambled before in my life so I didn’t know the effect it has on people. Sadly, I’ve come to witness that it is truly an addiction preying on weak minds,” dagdag pa nito.

Mayroon din daw siyang pinautang sa kanyang master agent sa sabong at hindi pa raw ito nababayaran. Yun daw ang pambayad niya sana sa renta ng kanyang negosyo at sa kanyang condo.

Kaya naman tulong pinansyal ang kanyang hiling.

“So now, I’m publicly begging for birthday donations. For me. Doesn’t matter if it’s 1 or 1000 pesos.” 

TELETABLOID

Follow Abante News on