WebClick Tracer

Medialdea sa gabinete: Dagdagan paliwanag sa SONA

Binigyan ng assignment ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga miyembro ng gabinete para magdagdag ng paliwanag sa mga sasabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 26.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa Abante Radyo na ang mga inatasang kalihim ang magbibigay ng dagdag paliwanag sa mga babanggitin ng pangulo sa kanyang SONA.

“Mayroon kaming iaanunsiyo na mga pangalan ng mga miyembro ng gabinete bukas na doon in-assign ng ating Executive Secretary ang responsibility na mag-elaborate pa kung ano pa yung mga sasabihin ni presidente,” ani Andanar,

Hindi aniya lahat masasabi ni Pangulong Duterte sa SONA ang mga detalye ng mga isyung kanyang babanggitin kaya tutulong dito ang mga opisyal ng ehekutibo.

Ang mga cabinet secretaries na ito aniya ang puwedeng tawagan at kausapin ng media para sa iba pang detalye ng lalamanin ng SONA ng presidente.

“Alam mo naman sa SONA kung tiningnan natin 45 minutes to one hour, hindi mo masasabi lahat so kakailangin ang expertise ng mga cabinet members. So meron kaming ia-announce bukas. Yung mga pangalan na yun, yun ang puwedeng kontakin ng mga kasamahan natin sa media,” dagdag ni Andanar.

Batay sa inilatag na patakaran ng mababang kapulungan ng Kongreso, tanging ang government media lamang ang papayagang makapasok sa Batasan para masiguro ang kaligtasan laban sa peligro ng COVID-29.

“Alam naman natin na ang coverage ng SONA ay limitado sa Batasan dahil gumawa ng panuntunan ang Lower House na yung government media lang ang allowed na pumasok doon,” wika ni Andanar.

Inaasahang aabot lamang sa 400 ang dadalong bisita sa Batasang Pambansa sa Lunes dahil iniiwasang maging super-spreader event ang aktibidad at kinakailangang may negative result ng RT-PCR test ang mga dadalo sa SONA.

TELETABLOID

Follow Abante News on