Umabot na sa mahigit 90 ang patay sa malawakang baha sa Germany nitong Biyernes habang lagpas 1,000 katao pa ang missing.
Ayon sa mga ulat, winalis ng tubig ang mga bayan sa German states na North Rhine-Westphalia at Rhineland-Palatinate dahil sa umapaw na mga ilog.
Pinangangambahan pang tumaas ang death toll dahil maraming bahay doon ang gumuho.
Nag-deploy na ang German military ng mahigit 700 sundalo para tumulong sa mga rescue effort.
Ang death toll ay pinakamataas ngayon sa Germany mula noong isang nakamamatay na North Sea flood taong 1962 kung saan nasa 340 katao ang namatay.