WebClick Tracer

Dahil MECQ, Cabinet meeting ‘di pa kaya – Roque

Ayon sa Palasyo, hindi pa makapagpulong ang Gabinete ni Pangulong Duterte kasi nakasailalim pa sa modified lockdown ang Maynila.

Bagaman nakalalahok ang ilang kalihim sa “Talk to the People” ni Duterte ay kailangan pa rin aniya nilang sumunod sa modified enhanced community quarantine (MECQ) protocols hinggil sa dami ng pwedeng magtipon.

“Nasa MECQ pa po tayo kaya mahirap na magkaroon ng Cabinet meeting dahil limited tayo to 10 or 10 percent ‘no of the capacity, eh marami kaming mga miyembro ng Gabinete,” ani Roque.

“So, sa ngayon po, nakikita ninyo naman na hangga’t maaari, iniimbitahan ang maraming mga kalihim para magbigay ng ulat sa kanila, sa taumbayan kung ano iyong ginagawa ng kanilang mga opisina,” saad niya pa.

Kabilang ang Greater Manila Area sa ilang lugar sa bansa na isinailalim ng gobyerno sa MECQ hanggang Abril 30.

TELETABLOID

Follow Abante News on