WebClick Tracer

Duterte sinisi ni De Lima sa walang humpay na patayan sa PH

Nanindigan si opposition Senator Leila de Lima na si Pangulong Duterte ang ‘driving force’ sa likod ng walang patid na patayan at pag-abuso sa karapatang pantao sa bansa.

Ginawa ni De Lima, panguhahing ni Duterte, ang pahayag kasunod ng pagpaslang sa siyam na indibidwal na pinaniniwalaang aktibista sa Southern Tagalog noong Marso at ang inilabas na video na nagpapakita sa isang pulis na nagtanim na ebidensiya sa isang napatay na drug suspect.

“The stark truth stares at us: No one else to blame for the killing spree (of drug suspects, lawyers, former and incumbent LGU officials, media practitioners, non-combatant activists and HRDs), but Duterte himself. He’s the instigator or driving force behind the spate of violence and assassinations unparalleled in modern PH history,” pahayag ni De Lima.

“That’s the most crucial, damning fact that the Guevarra report to the UNHRC chose to gloss over, if not conceal. Tigilan na nila ang pagbubulagbulagan at pagkukunwari. Harapin ang katotohanan!,” dagdag nito.

Sabi ni De Lima, dalawang araw matapos utusan ni Duterte ang mga pulis at sundalo na tapusin ang mga rebeldeng komunista na kanilang makakaengkwentro, nagsagaw ang PNP at AFP na pagsalakay sa Calabarzon na nagresulta pagkamatay na siyam na katao at pag-aresto sa anim na iba pang aktibista.

Sa isang viral video naman ipinakita ang isang pulis na pinaputok ang isang baril ng tatlong beses at itinabi sa napatay ng drug. Nangyari ang insidente sa Valencia City, Bukid noong Pebrero 20.

“Whether it’s drugs, insurgency, COVID-19 or poverty, he [Duterte], indeed, governs through violence and killings. 2016 pa lang, pumapatay na ang rehimeng ito. Duterte’s latest marching order is just a reiteration and a reminder of his long-standing policy of brutally eliminating perceived enemies,” ayon kay De Lima.

TELETABLOID

Follow Abante News on