Ipatutupad ni Mayor Edgardo Labella ang total liquor ban sa Cebu City bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Aniya, alak umano ang pangunahing sanhi ng patuloy na paglobo ng mga kaso ng virus sa kanilang lungsod.
“I have realized that this has been the cause of the spike,” sambit nito sa isang virtual press conference.
Ayon kasi sa ulat ng Cebu City Police Office, marami umanong inuman sa kanilang lungsod ang hindi sumusunod sa mga itinakdang minimum health protocol tulad ng physical distancing.
Buhat nito, ipagbabawal muna ang pagbenta at pag-inom ng alkohol sa bawat sulok ng lungsod.
Epektibo na ang liquor ban sa Cebu City sa Miyerkoles, Enero 3.