WebClick Tracer

Wil Tower dinumog, QC magko-contact tracing

Makikipagtulungan ang Quezon City government sa staff ni TV host Willie Revillame para matunton ang mga tao na dumagsa sa labas ng studio ng huli at umasa na maaambunan ng pera.

Mula Miyerkoles hanggang Huwebes ng madaling-araw, pumunta ang mga fan sa Wil Tower sa may Eugenio Lopez Drive para abangan kung mamimigay ba ng pera si Kuya Wil sa birthday nito noong Enero 27.

Ito, kahit pa hindi inanunsiyo ni Revillame na mamimigay siya ng pera sa labas ng studio.

Sabi ni Mayor Joy Belmonte sa CNN PH, “The crowd swelled when money was being given out. I will ask his (Willie’s) chief of staff to submit the names of their beneficiaries for contact tracing.”

Nagbabala din daw siya sa otoridad na mangyayari ang dagsaan, kaya pinagpapaliwanag niya si Quezon City Police district director PBGen. Danilo Macerin hinggil sa kabiguan ng pulisya na kontrolin ang dami ng mga nag-abang.

TELETABLOID

Follow Abante News on