Pumanaw na si dating Ilagan City vice mayor Vedasto “Piding” Villanueva sa edad na 63.
Ayon ito sa isang Facebook post ng konsehal na si Jayve Diaz.
“Nakakausap ko pa kayo nung mga nakaraang araw para makamusta kayo at malaman kung maayos na kalagayan niyo, nakakabigla po,” aniya sa caption ng naturang post.
“I want you to know that You are more than a colleague, more than a friend, more than a mentor, more than a 2nd Father to this city.
You were like a family member to me. I consider you like my uncle,” dagdag pa niya.
Aniya, malayo ang narating ng lungsod ng Ilagan dahil sa kanya.
“Malayo ang narating ng City of Ilagan dahil po sa suporta at tulong niyo and that is one of your greatest accomplishment. Kayo po ang aming bise mayor na nagpasyudad sa Ilagan. We adore you for that. A Very humble, kind and thoughtful person,” saad niya.
Ayon sa ulat, stroke at hindi COVID-19 ang ikinamatay ni Villanueva sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
“He did not die of COVID-19 because he yielded negative results during subsequent COVID-19 tests,” ani CVMC chief Dr. Glenn Mathew Baggao.
Inilarawan naman ng mga mamamayan ng Isabela si Villanueva bilang simple at mapagmahal sa kapwa.