WebClick Tracer

Zubiri, Gatchalian nagluksa sa pagpanaw ni Danilo Lim

Nakiramay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Valenzuela City Mayor Rex Gatchaliabn sa pagkamatay ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim.

Si Lim, isang retired military general, ay namatay Miyerkoles ng umaga sa edad na 65 dahil sa cardiac arrest.

“It’s sad to hear that one of our Hard working, no frills public servant had passed away from Cardiac arrest due to Covid complications,” pahayag ni Zubiri sa isang statement.

“He served his country well both in protecting our people from external and internal threats as well as a low-key hardworking bureaucrat in Government serving the needs of the people of Metro Manila,” dagdag nito.

Sinabi naman ni Gatchalian na napakbuting tao ni Lim at sinusportahan niya ang lahat ng mga programa ng mga mayor ng Metro Manila.

“Chairman General Danny Lim was very kind, supportive and a very hands on leader for the NCR mayors,” sabi ng alkalde.

“He was always ready to guide the mayors and at the same time by our backs for support when we need it the most,” sambit pa nito.

Si Lim, miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1978 ay itinalagang MMDA chairman noong 2017.

Noong Disyembre 29, kinumpirma ni Lim na nagpositibo siya sa coronavirus disease.

TELETABLOID

Follow Abante News on