WebClick Tracer

Nebrija mami-miss ‘utol’ na si Lim

Bumigay ang puso ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim kaninang umaga kaya siya pumanaw, ayon kay Traffic Chief Bong Nebrija.

Sa panayam sa Balitaan at Kumustahan sa Politiko Live ni Ibanez, sinabi ni Nebrija, nang may halong lungkot sa kanyang tinig, na para siyang nawalan ng isang kapatid sa pagpanaw ni Lim, Enero 6.

Matatandaan na noong December 29, 2020, ay sinabi ni Lim na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sinabi ni Nebrija na pinilit lang na magpaospital si Lim dahil subsob ito sa trabaho.

“Kung talagang kakayanin e kakayanin niya eh,” patungkol sa kondisyon ni Lim na gusto pa rin na magtrabaho.

“Nang pumayag ay dinala sa ospital para ma-isolate. He was recovering well. Ang nangyari nga lang ay bumigay ang kanyang puso kaninang umaga,” sinabi ni Nebrija.

Sinabi pa nito na sumusunod sa health protocols si Nebrija kung saan tambak ng alcohol ang kanyang tanggapan at maraming paglilinis at misting.

Hindi na rin siya isinama sa mga operasyon ng MMDA.

Para kay Nebrija, ang “leadership” ni Lim ang siyang pinaka-legacy nito.

“We will most definitely miss him. Walang masamang tinapay sa kanya. It will be hard working knowning wala na siya sa MMDA, pero kakayanin namin,” sabi ng traffic chief.

“He is a brother to me,” aniya pa.

Sa Heritage Park ilalagak ang labi ng MMDA chairman, na kasalukuyang inaayos as of press time.

TELETABLOID

Follow Abante News on