WebClick Tracer

Abogado nag-suicide matapos barilin Manila judge

Nagpakamatay diumano ang isang abogado matapos niyang barilin ang isang judge ng Manila Regional Trial Court (RTC) sa loob ng opisina nito sa Manila City Hall ngayong Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay Major Jhun Ibay, pinuno ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team, binaril ni lawyer Amador Rebato, 42, court clerk chief, si RTC Branch 45 Judge Ma. Theresa Abadilla, 44, matapos ay nagbaril ito sa sarili.

“Patay po siya… using his own firearms. Iyan iyong initial sa assessment ko, na nagpakamatay talaga,” ani Ibay sa ulat ng Inquirer.

“Si judge [Abadilla] nire-revive pa sa nearest hospital,” dagdag niya.

Nangyari umano ang insidente alas-2:45 ng hapon.

Iniimbestigahan pa ang krimen.

TELETABLOID

Follow Abante News on