WebClick Tracer

Kaso vs ‘rapist’ cop ni Fabel binasura, mga netizen umalma

Nanggalaiti ang mga netizen matapos umanong i-dismiss ang kasong acts of lasciviousness sa pulis na nanghalay umano sa 15-anyos na si Fabel Pineda.

Si Pineda ay pinatay matapos siyang maghain ng reklamong acts of lasciviousness laban sa pulis na si Police Staff Sergeant Marawi Torda sa Ilocos Sur noong Hulyo.

Kinasuhan naman ng rape ng 18-anyos na pinsan ng biktima si Police Staff Sergeant Randy Ramos.

Samantala, naghain ng mga kasong murder ang Philippine National Police sa provincial prosecutor ng Ilocos Sur laban kina Ramos at Torda.

Nabasura umano ang kasong isinampa ni Pineda dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Kaya nagpuyos sa galit ang mga netizen at nanawagan ng hustisya para sa biktima gamit ang hashtag na #JusticeForFabelPineda.

https://twitter.com/yanadeirds/status/1304701711257280512

https://twitter.com/trxcnt/status/1304688605160337408

TELETABLOID

Follow Abante News on