WebClick Tracer

Kathryn papasukin na ang comedy

May bagong project sa ABS-CBN si Kathryn Bernardo.

Sa Setyembre raw ay magsisimula na silang mag-shoot ng ilang episodes nito, ayon kay Kathryn sa ulat ng Push.

Pero hindi tulad ng mga nakagawiang proyekto ni Kathryn na romance at drama, isang sitcom ang bagong proyekto niya.

Kinalungkot naman ni Kathryn na dahil sa COVID-19 ay hindi muna matutuloy ang isa sanang pelikula na gagawin niya ngayong taon.

Kamakailan inanunsyo ang balik tambalan sa pelikula ni Kathryn at nobyo niyang si Daniel Padilla.

May title itong “After Forever” sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on