WebClick Tracer

Quimbo busy sa pagtabas ng damo

Back to work na ang dating Marikina congressman na si Miro Quimbo matapos nitong dapuan ng COVID-19.

Sa kanyang Facebook post, binahagi ni Miro ang kanyang pinagkaka-busyhan dahil sa nagtataasang damo sa kanilang bakuran.

Kaya naman tila naging gardener na si Quimbo at pinagtatabas ang mahahabang damo, kung saan nagawa pa nitong magbiro.

“The grass is always greener on the other side of the fence. Sa tagalog, a-anhin mo pa ang damo kung naging tikbalang na ang kabayo,” saad ng dating mambabatas.

https://www.instagram.com/p/CERJzNgHuqY/

TELETABLOID

Follow Abante News on