Ibinebenta na umano ng Blackwater Elite ang kanilang PBA franchise sa halagang P150 milyon.
Ayon sa report ng isang broadsheet, sinabi ni team owner Dioceldo Sy na wala na raw ang puso niya sa PBA.
Sa ulat naman ng Inquirer, sinabi ni Sy na na-offend siya matapos balaan ang kanyang team na parurusahan matapos magpraktis nang walang go signal mula sa PBA.
Sabi ni Commissioner Willie Marcial sa GMA News, iimbestigahan nila ang ulat.
Nitong Huwebes, pinagmulta ng PBA ang Blackwater ng P100,000 dahil sa early practice.
Inobliga rin ang mga player ng team na sumailalim sa swab testing.