WebClick Tracer

John Lapus nagmakaawa kay Angara

Kabilang ang comedian na si John Lapus sa mga empleyado ng ABS-CBN na walang trabaho dahil sa isyu ng prangkisa ng media company.

Kaya naman nagpasalamat siya at humingi ng tulong kay Senador Sonny Angara matapos mag-react ang mambabatas sa dalawang cease and desist order na inilabas ng NTC laban sa mga pag-aari ng ABS-CBN na TV Plus at Sky Direct.

“Grabe double standard dito-yung iba pinayagan mag-operate habang dinisisyunan ang prangkisa; ito tigok kaagad. Di man Lang inisip mga tao,” tweet ng senador nitong Martes.

“Sobra na po. Salamat Sen. Sonny. Sana po matulungan nyo kami. Isa po ako sa mga abs-cbn employee na walang work ngayon,” sey naman ni John.

Nireplayan ito ng senador at sinabing hindi makakakilos ang Senado tungkol sa isyu dahil dapat mauna ang Kamara.

“Sorry to hear that. Di kami makakilos sa senado Kung Di mauna ang HoR,” ani Angara.

TELETABLOID

Follow Abante News on