WebClick Tracer

Pulis sumalpok sa Innova, sugatan

Sugatan ang isang pulis Maynila matapos na bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang Toyota Innova kanina sa harap ng Malacañang Park, Paz Guanzon St., Otis, Paco, Maynila.

Isinugod sa Ospital ng Maynila ng ambulansiya ng Presidential Security Group (PSG) ang biktimang si PCpl. Angelito Rotol, nakatalaga sa Manila Police District-Police Station 10.

Habang sumuko naman sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang driver ng Toyota Innova na may plakang DAA 5360 na si Manuel O Bendijo, 49-anyos at taga-No. 15 Camachile North Cignal Village, Taguig City

Sa imbestigasyon, naganap umano ang insidente dakong alas-4:10 ng hapon sa nabanggit na lugar nang mahagip ng Yamaha Mio Soul na may plakang Ng97944 na minamaneho ni Rotol ang likurang bahagi ng Innova.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nabanggit na aksidente.

TELETABLOID

Follow Abante News on