WebClick Tracer

Solenn: Anti-terror bill ibasura!

Tumindig si Solenn Heussaff laban sa kontrobersiyal na Senate Bill 1083 o Anti-Terrorism Bill na minamadali ngayon ng gobyernong Duterte.

Sa isa niyang Instagram story kahapon, Hunyo 1, binahagi ng Pinay-French aktres ang isang ulat na pinapaliwanag kung sino ang matatawag na “terorista” ayon sa panukala.

Binigyang-diin ni Solenn ang nakalagay na pwedeng mabansagang terorista ang sinumang lalahok sa alinmang rally, at sinumang magdo-donate sa mga organisasyon na hindi kinikilala ng gobyerno.

“Really???,” caption pa ng host-singer na may 6.8 milyong followers, sabay lakip ng hashtag na #junkterrorbill .

Kapag pinindot ang “See More” sa naturang IG story ay didiretso sa isang Change.org petition laban sa Anti-Terrorism Bill.

Kahapon, sinertipikahang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang panukala.

TELETABLOID

Follow Abante News on