WebClick Tracer

Mga Pinoy sa Morocco COVID-free pa

Wala pang Pilipino sa Morocco na nahawa sa COVID-19.

Gayunman, may ilan umanong manggagawang Pinoy doon na sinibak dahil sa lockdown at humihingi na ng tulong para mapauwi sa ‘Pinas.

Sabi ni Charges d’ affaires to Rabat Maria Agnes Cervantes, agad nagdeklara ng state of emergency at mobility restrictions ang gobyerno roon nang maitala ang local transmission ng virus.

“Our nationals followed the health procedures prescribed by the government of Morocco so as of now we have not received any report yet that a Filipino has contracted Covid-19,” wika ni Cervantes sa isang Laging Handa briefing, Martes.

Sa tantiya ng opisyal, 4,500 Pilipino ang nananatili sa naturang bansa sa North Africa.

TELETABLOID

Follow Abante News on