Maglalagay ng mga pop-up bike lane sa ilang kalsada sa San Juan City.
Inanunsyo ni Mayor Francis Zamora ang Phase 1 ng paggawa nila.
May haba itong 4.21 kilometro mula N. Domingo Street hanggang Ortigas Avenue.
Aniya, ang proposed 13.80-km expansion ng mga pop-up bike lane ay ilalagay sa iba’t ibang kalsada sa siyudad matapos ang Phase 1.
Kabilang sa mga dadaanan ng mga bike lane ang San Juan Medical Center, San Juan City Hall, Greenhills Shopping Center, at malapit sa Cardinal Santos Medical Center.
Layon aniya ng mga pop-up bike lane na protektahan ang mga frontliner at magbabalik trabahong manggagawa na gumagamit ng bisikleta patungo at pauwi ng trabaho.
Ilulunsad aniya ang Phase 1 ng mga pop-up bike lane sa “World Bicycle Day” sa Miyerkoles, Hunyo 3.