WebClick Tracer

Prayer room na puntahan ng 5th PH COVID patient, bubuksan na sa San Juan

Kasabay ng pagbubukas ng mga tiangge sa Greenhills Shopping Center ay ang muli ring pagbabalik ng prayer room na madalas puntahan ng ikalimang kaso ng COVID-19 patient sa bansa.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, siniguro na malinis at na-disinfect na ang nasabing lugar, na gumawa ng ingay matapos na isang 48-anyos na Musllim ang magpositibo sa COVID-19, ang tinuturing na unang kaso kung saan hindi nagpunta ang Pinoy sa ibang bansa ngunit tinamaan ng virus.

Nagtalaga na si Zamora ng mga safety officer para masigurong masusunod ang social distancing sa lugar.

“‘Yung pagpasok ng mga tao, mayroon kasing tinatawag na safety officers na iaassign sa kanila. Once they see na overcrowded na, mag-stop silang magpapasok,” ayon kay Zamora sa panayam ng dzBB.

Bukod pa dito ay nilayo din ng Greenhills management ang mga stall na dalawang metro ang pagitan para maiwasan ang pagdidikit ng mga tao.

“Ngayon ay mayroon ng almost two meters of distance from one cluster of stalls so kung may apat na tindahan na magkakacluster tapos may pagitan na two meters tapos apat na tindahan na naman…” paliwanag ng alkalde.

“Nag-implement na rin sila ng one-way walk through so ‘yung mga corridors dito sa tianggehan, one way na lang, walang salubungan…”aniya pa.

TELETABLOID

Follow Abante News on