WebClick Tracer

Jodi Sta. Maria naging barbero

Natututo maging ang mga celebrity na gumupit ng buhok habang sarado pa ang mga salon at barbershop dahil sa COVID-19 lockdown.

Si aktres Jodi Sta. Maria, naging hairdresser ng kanyang drayber na si Joey.

Pinost niya ang larawan na nakasuot si Joey ng trash bag pansalo ng mga ginupit na buhok, habang hawak ng aktres ang suklay at clippers.

“As part of our #newnormal, ako ang naatasang maging hairdresser sa bahay. My first victim…our ever loyal driver, Joey,” sey ni Jodi sa Instagram, Sabado.

“Mukhang happy naman siya ?,” aniya pa.

TELETABLOID