WebClick Tracer

Christopher de Leon gumaling na sa COVID

Lubos ang pasasalamat ni Sandy Andolong matapos na magnegatibo na sa COVID ang kanyang mister na si Christopher de Leon.

Sa Instagram story ni Sandy, kanyang binahagi ang test result ni Boyet na kitang wala nang virus sa kanyang katawan.

“At last the long wait is over! All praise [and] glory to God!” saad ni Sandy.

Noong March 17 ay inanunsyo ni Christopher na dinapuan siya ng virus, at na-confine naman sa Medical City sa Pasig ng abot isang linggo.

TELETABLOID

Follow Abante News on