WebClick Tracer

May shortage ba ng doktor, nars? IBP kinuwestiyon ang POEA deployment ban sa mga medical worker

Naniniwala ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na walang basehan ang biglaang deployment ban ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga healthcare worker para mangibang-bansa.

Kinuwestiyon ni IBP president Domingo Egon Cayosa kung bakit nagpatupad ang POEA ng ban, gayong wala namang impormasyon kung kulang ba sa mga nurse o doktor ang bansa sa COVID-19 pandemic.

“Ang mga ganyang extreme measure depende po sa pangangailangan. Ang crucial d’yan, wala ho ba tayong mga doktor or nars na walang ginagawa na pwede i-harness para tumulong? The reasonableness will come into question pag ganyan,” ayon kay Cayoso sa panayam sa dzBB.

Kasama sa mga hindi papayagang makapagtrabaho sa ibang bansa ng POEA ay ang mga medical doctors/physicians, nurses, microbiologists, medical biologists, medical technologists, clinical analysts, respiratory therapists, pharmacists, laboratory technicians, X-ray/radiologic technicians, nursing assistants/aides, operators of medical equipment, supervisor ng health services at personal care and repairmen ng medical-hospital equipment.

“It’s a wrong use of the law. ‘Di pwede na naisip lang nila ‘yan at pwede nang gawin kahit ano dahil may emergency,” aniya pa.

TELETABLOID

Follow Abante News on