WebClick Tracer

DOJ chief suportado ang apela ng IBP na ilantad ang mga COVID positive

Suportado ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang panawagan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), na isapubliko na ang medical condition at pangalan ng mga positibo sa COVID – 19 at mga Person Under Investigation (PUI).

Sabi ni Guevarra, mabibigyang pagkakataon ang mga taong nakasalamuha ng pasyente na makagawa ng kaukulang hakbang o pangontra sa posibilidad na nahawa na sila. Sa sistemang ito, hindi na kakailanganin pa ng Department of Health na magsagawa ng contact tracing dahil mismong ang mga taong nakasalamuha ng COVID carrier ang kusang loob na magpapa-quarantine.

Nabatid na mismong ang Philippine Medical Association at ang Data Privacy Commission ang nagkaloob ng ethical at legal basis para dito kasabay ng pag-iral ng public health emergency.

TELETABLOID

Follow Abante News on