WebClick Tracer

Mas madami sanang ido-donate! Kris naubusan ng cash

Nagbigay ng tulong ang multimedia star na si Kris Aquino para sa mga residente ng Puerto Galera dahil doon sila tumuloy sa kasagsagan ng lockdown sa Metro Manila.

Sa tweet ni Kris, binahagi nito na nag-donate siya ng 12 sako ng bigas sa mga residente ng bayan, ngunit 100 sako dapat ang ibibigay, ‘yun nga lang ay naubusan ng cash.

“I am posting this hindi para magpa bida – kasi konti lang ito, dapat 100 sacks of rice pero malayo ako & hindi maka-withdraw ng mas malaki because more than 1 hour away yung mga bangko where i have accounts kaya umaasa muna sa ATM,” ayon sa tweet ng ‘Queen of All Media’.
https://twitter.com/krisaquino214/status/1242294699093684225

Nanawagan din si Aquino na mag-donate ang mga nakakaluwag dahil maraming mahihirap ngayon ang salat sa pagkain dahil bawal magtrabaho.
“Hindi tama na ang mga kapwa Pinoy ay magutom sa panahon ng lockdown dahil yung daily wage earners hindi makapagtrabaho,” sey nito.

TELETABLOID

Follow Abante News on