WebClick Tracer

Jinri selyado na ang kasal kay John

Wala na talagang kawala si Jinri Park sa kanyang asawa na si John.

Kahit ikinasal na sila sa Korea noong Disyembre 2019 ay sinelyuhan pa nila ito kahapon, March 21, upang maging legal na ang kanilang pag-iisang dibdib.

Kahapon nga talaga sana ang official wedding day nila dito sa Pilipinas, ngunit dahil nga sa banta ng coronavirus disease 2019 ay postponed pa rin ang seremonya. Gayunpaman, nagtungo pa rin sila sa simbahan upang iparehistro na ganap na silang mag-asawa.

“Today was our wedding day but due to the virus we decided to postpone it. We still went to the church to legally signed the registry and got married. The weather was perfect and we had Johns family there to witness. I can’t wait till the virus dies down so I can wear my wedding dress and have my dad walk down the aisle. Stay safe and happy everyone! 3.21.2020 SWIPE (right arrow) 3.21 2 4EVER,” caption ni Jinri sa kanyang IG post.

Noong Disyembre ay ikinasal na sa Korea sina Jinri at John.

“Sharing my Korean wedding pictures welcome to our family John. Love you forever! PS- this wasn’t an official wedding, just a small ceremony for my family in korea. Real official wedding is in March 2020,” ani Jinri noong araw ng Korean wedding nila.

https://www.instagram.com/p/B9-yF7uhR94/

TELETABLOID

Follow Abante News on