Inabisuhan ng Globe Telecom ang madla na mag-ingat sa mga email at text na nagpapanggap na advisory ukol sa covonavirus pero gusto lang talagang mang-hack.
Sabi ng Ayala-owned network, may mga scammer na nagpapalaganap ng umano’y coronavirus advisory, pero kukuha lang talaga ng pera o personal information ng mga netizen, at maglalagay ng virus sa mga computer.
“Do not open malicious e-mail attachments or click on dubious links in messages,” wika ng Globe sa isang pabatid.
Dapat anilang basahin maigi ang kada text at email at usisain kung may maling spelling o grammar. Pagdudahan din dapat anila ang anumang pahayag na nanghihingi ng personal na impormasyon, account credential o PIN.
https://www.facebook.com/GlobeIcon/posts/2547521338798844?__xts__%5B0%5D=68.ARDusnjzBH_9T4KUsbpRUjWlGloGr2dMY-2gEEhH38bFfZY2-5yWMBBhPcPXLONS_SQuVdx0eDpGPrwE4ZI_XOK8BwcyDDMXmFAtrXDcAMG6W9roAo3-dlh_0XnZhyNz0uudL_AOetM0rlwjHPqYseMqv5Bs07vwt0JL6hKAQPDTPql5hJeqsa1QBgNYhT5bCD0UBs4DrPJvkgJ-b_dX682UzsRHjkdqBpaIq2Vd7romWbBarZuPMxznNELEFgDujIF9lC6-zj5KVsFUE0oEHVri5uwsf6tiRcnn5B0hTe3QpKmu7nq6E7G_h-F7cahut8AFGzkWTKWQBbdYo86JBryi2iuw&__tn__=-R