WebClick Tracer

Sakay sa Pasig River Ferry libre pa rin

Libre pa rin ang ang sakay sa mga biyahe ng Pasig River Ferry Service (PRFS) hanggang Marso 31, 2020.

Layunin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magamit ng mga commuter ang alternatibong daan sa paggamit ng ferry upang makaiwas sa traffic at makabawas sa mga gumagamit ng EDSA at iba pang pangunahing kalsada.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, halos araw-araw ay mayroong 700 hanggang 1,000 pasahero ang ferry service.

“We are happy to hear that people are enjoying the ferry ride going to their destinations and commuting by ferry have become a way a way life to Metro Manila residents. That is why we are extending the free ride until March 31,” ayon kay MMDA Chairman Lim.

Dahil sa dami ng sumasakay ng ferry, plano ng MMDA na dagdagan pa ang ferry boats at ferry stations para lubos na makatulong sa mga mananakay at maibsan ang traffic sa Metro Manila.

TELETABLOID

Follow Abante News on